Cesar sumungkit ng silver sa Youth Olympic Games

by MC @Sports News | November 11, 2026

Photo: Silver medalist si Naomi Cesar (kaliwa) sa YOG sa 800m run sa Dakar, Senegal. (pocmedia)
Hindi niya naging plano ang ikaapat na puwesto kaya't inilaan ni Naomi Marjorie Cesar ang makakaya sa dakong huli at sa nagawa niyang napakabilis na pagtakbo sa homestretch ay naagaw niya ang pilak sa women's 800 meters sa likod ng isang Ethiopian roadrunner para sa unang medalya ng Team Philippines sa Dakar 2026 Youth Olympic Games (YOG).
“I worked so hard for this so I told myself I'm not going to come home in 4th place,” sabi ni Cesar pagkatapos ng isa sa mga athletics final na idinaraos sa Complexe Iba Mar Diop Stadium sa kabisera ng Senegal.
Nakaginto ang Ethiopian na si Selemon sa oras na 2 minuto at 4.43 segundo kung saan tinawid ni Cesar ang finish sa oras na 2:09.34, 3 segundo ang layo mula sa personal best.
Si Khadija Elmostaqim ng Morocco ang nakatanso sa oras na 2:10.05. “Binabati kita Naomi,‘mabuhay ka!” ayon Abraham Tolentino, presidente ng Philippine Olympic Committee, na nagbantay sa karera nitong madaling araw ng Martes sa Maynila. “Ipinagmamalaki ka namin sa pag-uwi mo ng pilak.”
Ang pilak ni Cesar ay ang pangalawang medalya lang ng bansa sa YOG matapos ang nakuha ni Christian Tio sa men’s IKA twin tip racing sa kiteboarding sa Buenos Aires noong 2018.





Comments