Bangis ni Tubu ng Foxies inilabas vs. Speed Hitters

by Gerard Arce @Sports News | November 11, 2026

Photo: Matibay na tumirada ng pag-atake si Trisha Tubo ng Farm Fresh Foxies na itinanghal na Best Player of the Game at hindi napigilan sa depensa ni Savanna Davison ng PLDT High Speed Hitters sa Premier Volleyball League All Filipino Conference Siklab Series 2026 sa Araneta Coliseum kahapon. Wagi sa 5 sets ang Farm Fresh 20-15, 25-17, 23-25, 25-20, 17-15. (Reymundo Nillama)
Mga laro bukas (Huwebes)
(Smart Araneta Coliseum)
1 pm – Akari vs NXLed
6 pm – Creamline vs Choco Mucho
Umangat ang husay ni Trisha Tubu para dalhin sa solo 3rd place ang Farm Fresh Foxies upang pigilan ang PLDT High Speed Hitters sa pagratsada ng mga panalo na nagtapos sa 20-25, 25-17, 23-25, 25-20, 17-15 panalo kahapon sa pambungad na aksyon ng Premier Volleyball League All-Filipino Conference Siklab Series sa Smart Araneta Coliseum.
Bumenta ang 30 puntos na eksplosyon ni Tubu galing lahat sa atake kasama ang 9 na excellent digs upang dalhin sa 4-2 kartada sa solo 3rd place sa likod ng unbeaten NXLed Chameleons at Creamline Cool Smashers. Higit pa sa ipinakitang matinding opensiba ay bumanat si Tubu ng 8 puntos sa deciding set para kumpletuhin ang comeback mula sa 1-2 set bentahe ng PLDT.
“Ang mindset ng bawat isa, anuman ang mangyari – straight sets man o umabot pa ng five sets – kailangan naming pagtrabahuhan ang bawat puntos. Lagi ngang sinasabi ni coach Koji (Tsuzurabara) na mag-focus lang kami sa bawat rally at huwag munang isipin kung mananalo o matatalo,” pahayag ng dating Adamson Lady Falcons hitter.





Comments