top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Runawayfromrosenot, nagpakitang-gilas

BULGAR
Mar 7, 2022
1 min read

ni Green Lantern - @Renda at Latigo | March 7, 2022


Kahit nakipag-bugbugan sa unahan ay hindi naubusan ng lakas si Runawayfromrosenot kaya nasilo nito ang panalo sa Condition Race Merged (10) na nilarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas, noong Sabado ng hapon.


Paglabas ng aparato ay agad sinundan ni Runawayfromrosenot ang matulin sa largahan na si My Prancealot, maging sina Born To Run at Hookbung Dagat ay kumapit sa unahan.


Pagsapit ng far turn ay sina My Prancealot at Runawayfromrosenot ang nagtatagisan ng bilis sa unahan sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM).

Umabot ang bakbakan nina Runawayfromrosenot at My Prancealot hanggang rektahan at sa huling 50 metro ng laban ay kinuha na ng winning horse ang unahan at manalo ng may kalahating kabayo ang agwat. Nirendahan ni RA Base, inilista ni Runawayfromrosenot ang impresibong 1:23.8 minuto sa 1,400 meter race, segundo si My Prancealot habang tumersero at pumang-apat sina Hookbung Dagat at Born To Run ayon sa pagkakasunod. "Maganda ang pagkakadala, mahusay ang ganda pa ng tiyempo kaya pang manalo ng manalo sa ipinakitang performance," saad ni Jego Cortez, karerista.


Samantala, bumilib din ang mga karerista kay Jacqueline nang manalo sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System na inilarga sa pangalawang karera.


Ginabayan ni jockey CV Garganta si Jacqueline na nagtala ng oras na 1:26. 4 sa 1,400 meter race upang masilo ng winning horse owner na si Michael Bazar ang added prize na P5,000.


Dumating na segundo si Happy Go Lucky, tersero si Winning Move habang pang-apat at pang-lima sina Sierra Madre at Waray Na Mayda Pa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page