top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Runawayfromrosenot at Stella Malone sa Merged 10

BULGAR
May 29, 2022
2 min read

ni Green Lantern - @Renda at Latigo | May 29, 2022


Nakatutok ang ibang dehadista sa magka-kuwadrang Runawayfromrosenot at Stella Malone sa magaganap na Condition Race Merged (10) na ilalarga sa Metro Turf, Malvar-Tanauan City, Batangas ngayong araw.


Magkakampihan sina Runawayfromrosenot at Stella Malone sa distansiyang 1,400 meter race para masilo ang panalo at silatin ang mga liyamadong kabayo na kanilang makakalaban.


Rerendahan ni Jonathan Juco si Runawayfromrosenot habang si CP Sigua ang sasakay kay Stella Malone sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


Ayon sa komento ng mga karerista sa social media, kahit dehado ay malaki ang tsansang manalo dahil balanse ang lineup ng karera.


"Magandang pumili ng dehado riyan sa karerang iyan, kasi lahat may panalo," saad ni Joselito Legarda, veteran karerista.


Makakalaban nina Runawayfromrosenot at Stella Malone sina Greatwall, Victorious Colt, Hookbung Dagat, Gomper Girl, The Accountant at Magtotobetsky.


Tiyak na aabangan din ng mga karerista ang PHILRACOM Rating Based Handicapping System na pakakawalan sa unang karera.


Posibleng magdomina sa takilya ang Sarangani Island at Mount Pulag sa karerang may added prize na P25,000 na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta.


Nakalaan ang karagdagang premyo na P5,000 para sa mananalong kabayo, ang ibang kalahok ay sina The Prize Is Yours, Heavenly Star, Caraga Wonder, Illuminance at Pendant


Samantala, may siyam na karera ang pakakawalan ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) ngayong araw kaya tiyak na masisiyahan ang mga karerista sa kanilang pananaya.


Mga Pili ni Green Lantern:


Race 1. Sarangani Island (3), Mount Pulag (7), Caraga Wonder (4)

Race 2. Magtotobetsky (8), Runawayfromerosenot/Stella Malone (1/1A), The Accountant (7)

Race 3. Bebang (4), Bishop Blue (9), It's A Deal (6)

Race 4. Amor Mi Amor (5), Early Bird (3), Basket Of Gold (4)

Race 5. Viva Forever (7), El Mundo (1), Speak Easy (4)

Race 6. Hayaku Jabez (3), Prediction (7), Act Of Kindness (8)

Race 7. Winning Move (1), Seven Of Diamonds (9), Dollarama (4)

Race 8. Bowties And Charm (1), Jean Genie (8), My Dear Magnolia (4)

Race 9. Waray Na Mayda Pa (2), Coastal Road (1), Call To Honour (9)


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page