Rufa Mae, nagsalita na sa isyung hiwalay na sa mister
- BULGAR
- Mar 7, 2024
- 1 min read
ni Angela Fernando - Trainee @News | March 7, 2024

Kamakailan ay nag-organisa ng malaking party ang comedienne na si Rufa Mae Quinto para sa 7th birthday ng kanyang nag-iisang anak na si Alexandria Athena.
Ibinahagi ni Rufa sa kanyang Instagram ang ilang mga larawan at clips mula sa birthday party ng anak ngunit napansin ng mga netizens na absent ang mister niyang si Trevor Magallanes
.
Hindi na nga napigilang paulanan ng tanong ng madla ang nasabing post kung hiwalay na ba sila ni Trevor — at bakit absent ito sa big day ng kanilang anak.
Mabilis na sinagot ni Rufa ang tanong at kinumpirma nitong sila pa ng kanyang mister.
Hindi man tuluyang nawala ang haka-haka sa paligid, naging direkta naman ang comedienne na wakasan ang mga umuugong na chika.





Comments