top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Roxas Vanguards, inunahan ang JPS Zamboanga sa Game 1 Semis

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 5, 2021
2 min read

ni Gerard Arce - @Sports | August 05, 2021




Kumamada ang mga inaasahang beteranong manlalaro ng Petra-Cement-Roxas Vanguards sa overtime period upang kunin ang panalo laban sa JPS Zamboanga City, 91-84, sa Game 1 ng semifinals: phase two ng Chooks-to-Go Pilipinas VisMin Super Cup, kagabi sa Pagadian City Gymnasium sa Pagadian, Zamboanga del Sur.


Nagbuslo ng mga importanteng puntos sa extension period sina dating NCAA MVP Leo Najorda na kumana ng 7 pts sa kabuuang 19 pts. at veteran forward Chito Jaime na pumukol din ng 7 puntos sa nakulektang 9pts sa buong laro. Tumulong rin sa pag-ambag sina James Castro na may 19 pts at Ernesto Bondoc Jr na may 15 pts.


“As beterano, sinabihan ko ang team mate na lumaban dahil mga beterano rin yung mga kalaban namin,” pahayag ni Najorda, nagwagi ng dalawang kampeonato sa PBA sa koponan ng Red Bull Barako. “Medyo nabigla kami nung una kase medyo wala kaming gana, pero sinabihan kami ni coach na lumaban pa at dun nabuhay kami ng loob.”


Ang 39-anyos rin mula Bangui, Ilocos Norte ng nagdala rin sa Vanguards sa overtime period mula sa sa isang driving jump shot sa nalalabing 29 segundo para itabla sa 75-75. Sinubukan namang isara ng Zamboanga City ang panalo mula sa drive ni Fran Yu subalit sumablay ito.


Nabigo ang Zamboanga City na maipaghiganti ang pagkatalo sa elimination round kontra Vanguards sa 69-71 mula sa buzzer-beater lay-up ni Lester Reyes. Ang magwawagi sa best-of-three showdown ng dalawa ay siyang haharap sa nag-aabang na undefeated at Finals-bound na Jumbo Plastic Basilan Peace Riders, kung saan sunod na magtatapat ang dalawang koponan ngayong araw, Huwebes, bandang alas-5:00 ng hapon.


Parehong galing ang Roxas at Zamboanga City sa panalo sa semifinals: phase one ng talunin ang host Pagadian City Explorers, 67-61 at No.2 seed na Clarin Sto Nino sa dikdikang overtime victory sa 95-93, nitong Lunes, ayon sa pagkakasunod.


Patuloy na namuno sa iskoring para sa Zamboanga City si Gabby Espinas sa 18pts na sinegundahan nina Mark Cardona at Fran Yu na may tig-14 pts at Rudy Lingganay na may 11pts.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page