Rotter best opposite spiker, Indonesia, champ sa Sea VLeague
ni Clyde Mariano @Sports | August 1, 2023

Bigong makatikim na panalo ang host Philippines at sa pangatlong beses ay natalo sa Vietnam, 25-22, 18-25, 20-25, 26-24, 8-15, sa huling laro sa four nations Southeast Asia Volleyball League sa Sta. Rosa Multi-Purpose Sports Complex sa Laguna.
Mainit ang simula ng mga Pinoy na kinuha ang first set. Subalit nabigong mapanatili ang kanilang laro at yumuko sa mga Vietnamese sa lungkot ng mga local crowd nag-cheers sa kanila.
Yumuko ang 'Pinas sa Thailand, Indonesia at Vietnam sa 4 countries competition na inorganisa ng Philippine National Volleyball Federation at PLDT na sinuportahan ng Philippine Sports Commission at Philippine Olympic Committee.
Ang kanilang pagsisikap ay hindi naging sapat para talunin ang Vietnamese at muling panatilihin ang paghahari na tinalo rin ang mga Pinoy sa Jakarta para sa pilak, 2-1.
Tinalo ng undefeated Indonesia ang Thailand, 25-27, 20-25, 25-21, 25-21, 15-9, at sinungkit ang korona sa kartadang 3-0. Napunta sa mga Thais ang pilak, 1-2. Nagsanib-puwersa sina Bryan Bagunas, Marck Espejo at Filipino-American Steven Rotter subalit kinapos sa Vietnam sa lungkot ni Brazilian coach Sergio Veloso. Nabigo man sa korona ay nakuha ni Rotter ang parangal sa Best Opposite Spiker.
Bukod sa korona, tatlong Indonesians ang may individual honors, na sina Farhan Halim- Most Valuable Player, Hendra Kurniawan-Best Middle Blocker at Prasojo Prasojo- Best Libero.
Nagtala si Bagunas ng 21 points, Espejo 20 at si Rotter ay 19 points at 4 blockshots.
Kumolekta si Thuan Nguyen Ngoc ng 22 points, 3 blockshots at 2 aces. Si Jakkrit Thanomnoi ng Thailand (Best Outside Spiker) at si Boy Arnis Arabi ang Second Best Outside Spiker.





Comments