ROS E-Painters, swak na sa q'finals ng Commish Cup
- BULGAR
- Jan 16, 2024
- 1 min read
ni Anthony Servinio @Sports | January 15, 2024

Matagumpay na tinapos ng Rain or Shine ang kanilang laro sa dalawang buwang elimination at tinalo ang nagpupumiglas at sibak na Converge, 112-111, sa no-bearing pero mahalaga ang laro sa first game ng 48th PBA Conference na pinanood ni dating Gilas Pilipinas Andrei Blatche sa Philsports Arena kahapon.
Wala mang halaga sa kanila ay pasok na rin sila sa quarterfinals, hindi pa rin pinagbigyan ng Elasto Painters ang FiberXers at tapusin ang elimination sa kartadang 6-5 at winakasan ng Converge ang kanilang stint sa Commissioner’s Cup sa kartadang 1-10.
Kulang sa intensidad at energy ang laro ng RoS at nagawang kunin ang panalo sa gahibla. Kailangang kumayod nang husto ang Elasto Painters hanggang huling segundo at i-preserba ang panalo at panatilihin ang paghahari sa Fiberxers na tinalo nila 127-110, sa nakaraang conference. “We struggled most of the game. It’s pretty good we made it. Malakas at hindi puwedeng balewalain ang Converge,” sabi ni coach Yeng Guiao.
Tatlong RoS ang umiskor double figures sa pangunguna ni Demetrious Treadwell sa 21 points, 17 rebounds at walong assists, Bicol strongman Beau Belga 19 at Keith Datu ng 10 points. Ang inside the paint jumper ni Treadwell ang nagpasubok sa depensa ni Jamil Dashan Wilson at ipanalo ang RoS matapos lumapit ang Converge, 108-109.
Lumaban nang husto ang Converge sa hangad bawian ang RoS. Subalit nabigo ang Fiberxers. Isa sa mga factors na nagdala sa RoS ang magandang ipinakita sa charity lane ng 18 sa 23 bonus shots at outrebounded ang Converge 59-43 para sa itinalang 25 assists.
Umiskor si Jamil Dashan Wilson ng game high 26 points. Subalit nabigong makakuha ng solidong suporta sa kanyang local teammates.





Comments