top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Roque, todo-post na sa tsibog at birit sa socmed habang may sakuna, buwisit!

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 17, 2020
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | November 17, 2020



PROMISE NI P-DUTERTE SA MGA TAGA-CAGAYAN AT ISABELA, BAKA PABIDA LANG—Hindi dapat umasa ang mga taga-Cagayan at Isabela sa mga ipinangakong tulong sa kanila ni P-Duterte, kabilang na ang pabahay.


Hindi malayong matulad sila sa mga biktima ng pagsabog ng Bulkang Taal na umasa sa wala, dahil matapos silang pangakuan ni P-Duterte ng pabahay noong Feb. 5, 2020 ay makalipas ang walong buwan, nitong Oct. 21, 2020 sa budget hearing sa Senado ay sinabi ni NHA General Manager Marcelino Escalada na walang inilaang budget sa 2020 at 2021 ang national gov’t. para sa kanila, na ibig sabihin, pabida lang ni P-Duterte ang promise nito, period!

◘◘◘

HINDI LANG PAGTSIBOG ANG IBINIDA NI ROQUE, PATI PAGBIRIT NG KANTA HABANG LUBOG SA BAHA ANG MGA TAGA-CAGAYAN AT ISABELA—Matapos mag-post sa Facebook si Presidential spokesman Harry Roque na masaya siyang kumakain kasama ang kanyang misis, kumalat sa social media na bumibirit siya ng kantang “Pare Ko” sa videoke bar sa Baguio City.


Mantakin n’yo, sa panahong nagmamakaawang humihingi ng saklolo sa national gov’t. ang mga taga-Cagayan at Isabela na na-trap ng baha na sila ay i-rescue, eh, ang saya-saya ng spokesman ni P-Duterte, pwe!

◘◘◘

BAKA MABINGI ANG PUBLIKO KAPAG NAGTALAKAN SINA P-DUTERTE AT ALVAREZ—Kumalas na si Davao del Norte Rep., ex-Speaker Pantaleon Alvarez sa partidong PDP-Laban ni P-Duterte.


Indikasyon kaya ‘yan na magiging parte na ng oposisyon si Alvarez?


Naku kapag nagkataon, baka mabingi ang publiko sa talakan nina P-Duterte at Alvarez kasi tulad ng Pangulo, taklesa rin ang ex-speaker, boom!


◘◘◘


MALAMANG, DDS ANG “UTAK” NG GUMAWA NG MODULE NA PANIRA KAY ANGEL LOCSIN—Sa module ng DepEd, ginawang example ang pagiging obese ni Angel Locsin, na tila gustong itanim sa isipan ng mga batang-mag-aaral na bad ang aktres, dahil kaya tumaba ay madalas kumain sa isang fastfood chain at hindi nag-e-exercise.


Kung sinuman ang may gawa ng module na ‘yan, malamang ay DDS ‘yan kasi sila lang naman ang may galit kay Angel, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page