top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Roque, kahit ikampanya pa ni Mayor Sara, wa’ pa rin “K” manalo

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 6, 2022
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | February 06, 2022



HARRY ROQUE, “MANOK” NI MAYOR SARA; GEN. ELEAZAR, “MANOK” NI RAFFY TULFO–Uso ngayon sa mga kandidato ang nag-e-endorso ng mga kapwa nila kandidato.


Si vice-presidential candidate, Mayor Sara Duterte-Carpio ay todo-endorso sa kandidatura ni former presidential spokesman Harry Roque, Jr. at sa kabilang banda, iniendorso naman ni senatorial candidate, journalist Raffy Tulfo ang kandidatura ng kapwa niya senatorial candidate na former PNP chief Gen. Guillermo Eleazar.


Ang pagkakaiba nga lang, ang iniendorso ni Mayor Sara ay may “bad image”, inaaway kasi ni Roque ang mga health workers, samantalang “good image” naman ang iniendorso ni Raffy Tulfo na si Gen. Eleazar, kung saan scalawag na parak ang binabanatan nito.


◘◘◘


WALANG KASIGURADUHAN KUNG MANANALO SI ROQUE KAHIT TODO-KAMPANYA SA KANYA SI MAYOR SARA–Kung inaakala ni senatorial candidate, former Presidential candidate Harry Roque na magiging senador siya dahil iniendorso ni Mayor Sara Duterte-Carpio ang kanyang kandidatura ay nagkakamali siya.


Dapat tandaan ni Roque na todo-endorso rin ang ginawa noon ni Mayor Sara kay 2019 senatorial candidate Dong Mangudadatu, pero pagkatalo ang inabot nito, boom!


◘◘◘


MAYOR SARA, WALANG “K” MAG-ENDORSO NG KANDIDATO–Sa totoo lang, wala namang “K” mag-endorso si Mayor Sara ng kapwa niya kandidato kasi sa tagal na niya sa pulitika ay wala namang nagmarka sa isipan ng publiko na nagawa niya sa Davao City na puwede niyang gawin sa buong Pilipinas, period!


◘◘◘


KUNG KUMANA SA PAGKA-VP SI RAFFY TULFO, “TAOB” SI MAYOR SARA–Kung nagkatotoo ang pumutok na isyu noon na tatakbong VP si Raffy Tulfo ay malaki ang tsansa nitong manalo kumpara kay Mayor Sara.


Nakamarka na kasi sa mamamayan na tagapagtanggol ng mga inaapi si Raffy Tulfo, at sa kabilang banda, kaya lang naman nagmarka sa isipan ng publiko ang pangalan ni Mayor Sara ay dahil anak siya ng pangulo.


Sa matatalinong botante, siyempre, mas iboboto nila ‘yung kandidatong may napatunayan na, kaysa sa kandidato na kaya lang kumandidato ay dahil kilala ang kanyang apelyido… apelyido ng pangulo ng Pilipinas, boom!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page