Roque at Legarda, todo-yabang pa sa UHC, wa’ naman ‘wenta
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | January 30, 2022
DUTERTE GOV’T., NGANGA SA BAYANIHAN E-KONSULTA, VACCINE EXPRESS AT FREE SWAB CUB–Humirit si Vice-Pres. Leni Robredo sa Comelec na pagsapit ng campaign period ay bigyan ng permit para makapag-operate pa rin ang mga programang Bayanihan E-Konsulta, Vaccine Express at Free Swab Cub ng OVP (Office of the Vice-President) kasi nasa panahon pa rin tayo ng pandemya.
Kung may ganyang programa ang Duterte gov’t. puwedeng i-reject ng Comelec ang hirit ni VP Leni, pero ang problema, wala namang ginagawang ganyan ang pamahalaan, kaya dapat aprubahan ito ng Comelec kasi sa totoo lang, maraming naisasalbang buhay ang mga programang ito ng OVP, period!
◘◘◘
LIBRENG HOSPITALIZATION SA UHC, FAKE NEWS–Kung inaakala nina senatorial candidates Harry Roque at Loren Legarda na makatutulong ang ibinibida nilang sila ang may akda ng Universal Health Care (UHC) na napakipakinabangan ngayon ng mga Pilipino ay nagkakamali sila.
Alam ng mga Pinoy na walang silbi ang UHC dahil fake news lang na free hospitalization ‘yan, dahil ang totoo ay wala namang free hospitalization, nagbabayad pa rin ang mga pasyenteng naa-admit sa mga pagamutan, boom!





Comments