Ronnie, sablay sa pagbigkas, nilait
Updated: Dec 18, 2022
ni Ambet Nabus - @Let's see | December 5, 2022

O hayan, pinutakti na naman ng bashing si Ronnie Liang nang maging presenter ito kasama ang isang vlogger sa katatapos lamang na Asian TV Awards.
Major categories pa naman na Best Actor at Actress ang kanilang binasa.
Sa mga simpleng pagbigkas ng salitang "television" (binigkas ni Ronnie na may punto at pa-Tagalog), habang ang abbreviation na LTD o salitang "limited" ay literal niyang binigkas na "LTD," as if hindi niya alam ang ibig sabihin ng salita, muli siyang kinantiyawan ng ilang netizens at ibinato ang sinasabi niyang pinag-aralan sa kolehiyo at Master's degree nu’ng ipinagtanggol niya ang sarili sa usaping pagtanggi sa isang umano'y "porn movie offer."
Nakakaloka, dahil sadyang "perfectionist" ang mga Pinoy lalo sa mga nagpi-feeling superior gaya nga raw ni Ronnie.
Kung tutuusin ay hindi naman ‘yun big deal lalo pa't mas masahol pa nga ang ibang Asian pronunciation na hindi naman bihasa sa English.
Pero dala marahil ng naging pagmamalaki ni Ronnie ng kanyang pinag-aralan at prinsipyo sa edukasyon, hayun, nahanapan tuloy siya ng butas.
At mas obvious din ang naging bashing sa kapwa niya presenter na babaeng vlogger dahil nang banggitin nito ang mga "nominees" sa kategoryang Best Actor, buong-giliw pa nitong sinabing, "And the nominees for Best Actor IS..."
Aguy!





Comments