top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Robin, tanggap daw kahit losyang na siya… MARIEL, AMINADONG MAY PROBLEMA KAYA PATABA NANG PATABA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 16, 2020
  • 2 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | December 16, 2020




Sa kanyang latest YouTube vlog ay sinagot ni Mariel Rodriguez ang body shaming na nararanasan niya dahil sa patuloy na paglaki ng kanyang katawan.


“Lahat na yata ng mga batikos, natanggap ko na. ‘Ang losyang mo na, Mariel.’ ‘Hala, ang laki na niya.’ ‘Ano ang nangyari, ba’t ang laki na niya?’ ‘Mariel, ang taba mo na.’ Lahat na ng masasakit na mabibigat na matataba, lahat ng salitang ‘yan, natanggap ko. Ibinato na sa akin ng mga taong hindi nakakaintindi ng breastfeeding,” ani Mariel na natatawa at mukhang hindi naman napipikon.


Ipinaliwanag ng TV host na mayroon siyang PCOS (polycystic ovary syndrome), dahilan para kaunti lang ang mai-produce niyang milk.


“Because I have PCOS, I have polycystic ovaries which means that my reproductive system is just messed up, okay? ‘Yun ang pagkakaintindi ko sa kanya.


“So, iba ako sa ibang mga babae. There are some women who have PCOS, ang dami nilang milk. There are some women who have PCOS na sobrang konti ng kanilang milk. Napunta ‘ko ru’n sa latter part,” she said.


As we all know ay dalawa na ang anak ni Mariel at ng mister na si Robin Padilla – sina Maria Isabella (4) and Maria Gabriela (1). At kahit wala siyang gatas ay talagang kinarir niya na mapa-breastfeed ang mga ito.


Sobrang nag-research daw siya kung ano ang mga food na dapat niyang kainin para magkaroon ng milk at aminado siyang hindi talaga madali ang kanyang naging journey sa breastfeeding. Sey nga niya, kahit hindi siya gutom ay kumakain siya para lang magkaroon ng gatas.


“Hindi siya madali, isa siya sa napakahirap. Pure dedication and talagang hard work. ‘Yun ‘yung talagang lumalabas ang pagiging nanay ko, 'pag bine-breastfeed ko ‘yung mga anak ko,” aniya.


Ang goal daw niya ay mapa-breastfeed ang anak kahit at least one year kaya naman ngayong naka-1 yr. old na si Gabriela ay isine-celebrate rin niya ang kanyang achievement na natapos niya ang kanyang goal.


“I am so proud because kahit ganito ang situation ko, I was able to breastfeed my kids for over a year,” aniya.


Sobrang kinarir daw niya talaga ang pagpapa-breastfeed at ang buong buhay daw niya ay breastfeeding.


“Wala akong ibang ginawa. Ang buong buhay ko, breastfeeding. And I know that all the breastfeeding moms, ‘yun ang feeling n’yo – that life is breastfeeding, life is milk,” sey pa niya.


Kaya dedma na raw kung mataba siya alang-alang sa kanyang mga anak. And thankful din naman siya sa support ng kanyang asawa na never daw nag-complain sa kanyang figure.


“Never siyang nag-complain na mataba ako. He knows it is just part of my journey. He knows na gusto kong pumayat after,” sabi pa ni Mariel.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page