ROBIN, NAGPRAMIS NU'NG YEAR 2011, 2023 NA, 'DI PA RIN NAGBI-BRIEF
ni Ambet Nabus @Let's See | September 27, 2023

Kung saan-saan na dinala ng mga netizens ang usapin sa aksidenteng pagdungaw ng private part ni Sen. Robin Padilla sa live selling ng asawa nitong si Mariel Rodriguez.
Ang simpleng matatawag na 'kapabayaan' ay parang naging national issue lalo't ang pagiging tila anti-American nitong si Robin ay pinagdiskitahan nang todo.
Matindi kasi ang pagbatikos ng senador sa isyu ng pangingialam o presensiya ng Amerika sa usapin ng Scarborough Shoal at iba pa.
Dahil nga d'yan, nariyang tawagin itong ipokrito dahil umano ang sariling pamilya nito'y may dual citizenship na Amerikano. Nandiyang pati ang mga ginagamit nito sa bahay, damit man gadget o appliances ay tiyak daw na may tatak o brand-America.
Pero ang pinaka-ikinalokang puna o reaksiyon na nabasa namin ay ang umano'y minsang naging pangako ni Robin na magsusuot na ito ng 'underwear'.
Ano'ng konek? Halos thirteen years ago pala nang nagkaroon na rin ng halos parehong insidente nang may 'something' ding dumungaw sa boxer shorts noon ni Robin, kaugnay ng documentary ng love affair nila ni Mariel.
Sey ng mga netizens, "2011 pa 'yun nangyari at pinag-usapan, pero 'yung pangako niyang magsusuot na ng underwear ay mukhang hindi naman natupad what with his new scandal?
So ano ang maaasahan ng sambayanan sa pag-iingay niya kontra America?"
Aguy, uy!!!





Comments