top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Robin Hood patok sa Condition Race

BULGAR
Mar 27, 2022
2 min read

ni Green Lantern - @Renda at Latigo | March 27, 2022


Makikilatis ang tikas ni Robin Hood paglarga ng Condition Race (18) na ilalarga ngayong araw sa Metro Turf, Malvar-Tanauan City, Batangas.


Rerendahan ni RM Garcia, inaasahang magbigay ng magandang laban ang kalahok na Heroesdelninetysix at Silab sa distansiyang 1,400 meter race.


Ayon sa mga komento ng mga karerista sa social media, maganda ang ipinapakitang performance ng kabayong Robin Hood kaya marami sa kanila ang susuporta sa nasabing kabayo.


"Magandang laban yan, magagaling ang mga kalaban ni Robin Hood, tiyak mapapalaban siya ng todo," saad ni Joselito Vasquez, veteran karerista.


Ang ibang kalahok ay sina Born In April, Morning Breeze, Full Combat Order, Courageous, A.P. Factor, Moves Like Jagger at Victorious Run.


Tiyak na aabangan din ng mga karerista ang bakbakan ng anim na bagitong kabayo sa 3-Year-Old & Above Maiden race na pakakawalan sa pangalawang karera.


Posibleng maging liyamado sa laban ang kabayong Colony Bell na sasakyan ni class A rider Mark Angelo Alvarez.


Nakalaan ang added prize na P10,000 para sa mananalong 3-year-old horse, ang ibang magtatagisan ng bilis sa distansiyang 1,400 meter race ay sina Baryo San Roque, Queensland, Laparoscopy, Bullet at Galloping Ghost.


Samantala, may 11 isang karera ang inihain ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) kaya paniguradong masisiyahan ang mga karerista sa kanilang pananaya.


Suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) ang mga races ngayong araw ng Linggo.


Mga Pili ni Green Lantern:


Race 1. Stand By Me (8), Apollo (1), Stay Ready (9),Unior Run (9)

Race 2. Colony Bell (6), Bullet (4)

Race 3. Tangadan Falls/Seven Of Diamonds (2/2A), Makarit (11), Rise And Shine (6), Tulos Express (7)

Race 4. Buwayang Bato (7). Crown Jewel (8), El Munod (6)

Race 5. Viva Forever (10), Arubaitosan (1), Indy Bell (8)

Race 6. Noh Sen Young Yana (3), Bishop Blue (2), Apo Ni Maria (8)

Race 7. Waray Na Waray Pa (2), My Way (8), Celebrity (7)

Race 8. The Accountant (5), Vivid Pink (2)

Race 9. Ashea's Will (7), Adarna (8), Prince Arman (11)

Race 10. Robin Hood (5), Silab (3), Born In April (2)

Race 11. My Dear Magnolia/Lucky Noh Noh (2/2A), Bunso (11), Baling Rikit (13)


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page