top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Robertson ng UCFC, nanggitla; 'Pinas 'di nakabawi sa Malaysia

BULGAR
Mar 26, 2022
1 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | March 26, 2022




Kung gagamiting batayan ang unang laro, maliwanag ang susunod na kabanata ng United City Football Club matapos gibain ang Maharlika FC Manila, 4-0, sa 2022 Copa Paulino Alcantara sa PFF National Training Center sa Carmona, Cavite Huwebes ng gabi. Agad naglabas ng husay ang mga bagong-pirmang manlalaro matapos lumiban ang koponan sa 2021 edisyon ng torneo.

Nagpakilala agad si defender Alan “JJ” Robertson at inulo niya papasok ang bola sa ika-23 minuto buhat sa corner kick. Hindi nagpahuli si dating Dynamic Herb Cebu FC Ricardo Sendra sa ika-27 minuto at tumanggap ng magandang pasa sa kapwa-baguhan Simen Lyngbo upang madoble ang lamang.

Hindi nagpreno ang Maharlika at nahanap ni Ivan Ouano ang 3rd goal sa ika-44 minuto buhat sa pasa ni Curt Dizon para umakyat sa 3-0 ang talaan sa halftime. Kahit komportable ang lamang, nakahabol ng isa pang goal si Hikaru Minegishi sa ika-73 sa tulong ni Dean Ebarle.

Samantala, pinalasap ng Malaysia ang mapait na 2-0 talo sa Pilipinas sa kanilang FIFA Friendly noong Miyerkules sa Singapore National Stadium. Sapat ang dalawang maagang goal ni forward Akhyar Rashid sa ikatlo at ika-24 na minuto at ginawa ng Azkals ang lahat para makabawi subalit kinapos.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page