Roaring Kanyon nanalo sa 3-YO Race
ni Green Lantern - @Renda at Latigo |September 26, 2022
Nagpakitang-gilas ang Roaring Kanyon matapos nitong manalo sa 3-Year-Old & Above Maiden Race na inilarga sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite, noong Sabado ng hapon.
Bumilib ang mga tagahanga ni Roaring Kanyon dahil halos hindi ito nahirapan na sikwatin ang panalo. Kalmadong lumabas ng aparato si Roaring Kanyon, pumuwesto sa pang-apat para panoorin ang nagbabakbakan sa unahan na sina Club Kensai at Ligiron.
Papalapit ng far turn ay lumalapit na sa unahan si Roaring Kanyon na nirendahan ni jockey JL Paano. Pagsapit ng rektahan ay naagaw na ni Roaring Kanyon ang unahan at tinawid ang finish line ng may tatlong kabayo ang agwat sa sumegundong Ligiron.
Inirehistro ni Roaring Kanyon ang 1:31.6 sa 1,400 meter race sapat upang hamigin ng winning horse ang added prize na P20,000.
Tumersero si Grand Majesty habang pumang-apat si Comanche Chief sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.
Samantala, matagumpay na naisagawa ang karera kahapon sa San Lazaro.





Comments