Road Warriors sinagasaan ang Bossing, solo lider na
Updated: Mar 15, 2024
ni Clyde Mariano @Sports | March 14, 2024

Pinigilan ng NLEX Road Warriors ang three games winning run ng Blackwater Bossing nang lupigin sa 103-97 at binigyan ang nagpapahingang Barangay Ginebra Kings ng free ride para kunin ang solo lead sa kartadang 2-0 sa PBA Philippine Cup sa Philsports Arena kagabi.
Muling bumida si gunslinger Robert Bolick nang umiskor ng top-of-the-key three, 103-97 at dalhin ang mabilis tumakbong Road Warriors sa pang-apat na panalo sa limang laro para sa solong 3rd standings sa kartadang 4-1 at humiwalay sa nagpapahingang North Port.
Tumipa si Bolick ng 21 points, kasama ang game-winning three at panatilihin ang hindi matatawaran paghahari vs. Bossing nang makalamang ng big margin sa PHL at Commish Cup na parehas napanalunan ng San Miguel Beermen.
Hindi lamang si Bolick ang nagpanalo at sinabi ng dating San Beda Red Lions Hotshots na ito ay ayon sa team effort. “Hindi sa akin. Lahat kami nagtulong-tulong para manalo. This is coordinated efforts. We worked hard, played hard and pull our resources together for this win. Ang expectation namin 5-0,” sabi ni Bolick. Itinanghal na Best Player si Bolick.
Nagkaroon ng injury si head coach Frankie Lim sa isang praktis at pansamantalang pinagkatiwala ang trabaho kay Jong Uichico at matagumpay namang dinala ang NLEX sa panalo.
Nag-ambag sina Jhan Michael Nermal ng 16 points, Dominic Fajardo at dating Magnolia Robert Herdon ng tig-14, Baser Amer 12 at Anthony Semerad ng 11 points. “Malayo pa ang tournament. Kailangang paghandaan namin nang husto at tulong-tulong kami para malalayo ang marating namin,” wika ni Bolick. “He (Bolick: produces points and figured prominently in other departments. I am expecting him to play another and he did it again,” sabi ni Uichico.





Comments