Road Warriors sa 4 wins, lider na sa team standings
ni Clyde Mariano @Sports | February 5, 2023

Matagumpay na napigilan ng NLEX Road Warriors ang pag-aalburoto ng Phoenix Fuel Masters at tinalo ang LPG Fuel Masters, 98-94 para sungkitin ang pang-apat na sunod na panalo na humiwalay sa two-way second place sa San Miguel Beermen at sumosyo sa kapwa undefeated leader Converge Fiberxers sa parehas na kartadang 4-0 sa Governors Cup sa 47th PBA season sa Ynares Centre sa Antipolo City.
Hindi madali ang panalo ng Road Warriors at kailangang gamitin nila ang buong puwersa at si import Jonathan Simmons ang naglaro nang husto upang kunin ang panalo tungo sa unang puwesto sa team standings kasosyo ang Fiberxers.
Ngayong nakatikim na ang NLEX ng apat na sunod na panalo ay lumakas ang kanilang tsansa na masungkit ang unang PBA title at kung papalarin sa mga kamay ni coach Frankie Lim.
Pinalitan ni Lim, dati rin PBA player, si Yeng Guiao na lumipat sa Rain or Shine.
Napakapait ng pagkatalo ng Phoenix na kinuha ang lamang matapos maghabol sa double digit at bumigay sa huli sa lungkot ni bagong coach Jamikie Jarin.
Mataas ang morale at fighting spirit sa panalo ng sister team Talk ‘N Text, 110-108, lumamang ang NLEX 86-76 behind 10-3 run simula fourth period at pinalobo ang bentahe 92-79 sa pinagsanib-puwersa ni Jonathan Simmons, Kevin Alas at Don Trollano.
Umarangkada agad ang NLEX sa simula na lumamang ng 13 points, 48-35, midway sa second quarter. Subalit biglang nanlamig ang opensiba at lumuwag ang depensa ng Warriors at nagawang tapyasin ng Fuels ang lamang sa points, 49-52, sa pagtatapos ng first half.





Comments