top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Road Warriors pinasadahan ang Fiberxers, Trollano bida

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 22, 2023
1 min read

ni Clyde Mariano @Sports | July 22, 2023



Matagumpay na napigilan ang paga-alburuto ng Converge sa third quarter at iposte ang 112-104 panalo ng NLEX Road Warriors sa PBA Preseason on Tour sa Ynares Center sa Pasig City kagabi.


Nagbanta ang Converge ng kunin ang panalo at lumapit 80-81 sa basket ni Zaldivar at 90-91 sa tres ni Alec Stockton walong minutes ang natitira sa fourth period.


Subalit rumatsada ang NLEX 8-0 run sa pinagsanib na puwersa nina Don Trollano, Kevin Alas at Sean Anthony, 99-90, at sinundan 4-0 sa basket nina Trollano at Anthony Semerad para sa 102-92 at kunin ang panalo para iwaksi sa isipan ang 83-96 talo sa sister team Meralco.


Nagrelax ang Road Warriors at niluwagan ang depensa kaya nakalapit ang Fiberxers.


Napilitan si coach Frankie Lim na paalalahanan ang kanyang mga manlalaro na piliting kunin ang panalo at hindi naman siya nabigo.


“Umiskor sina Trollano ng 26 points, siyam na rebounds at limang assists na pinamunuan ang pagdiskaril sa Converge.


Nag-ambag sina Kevin Alas ng 25, Sean Anthony ng 23 at Semerad ng 16 points sa panalo ng NLEX.


Tumipa si Matt Nieto 19, Kevin Racal 18 at Alec Stockton ng 10 points. Subalit hindi sapat ang kanilang pagsusumikap para dalhin sa panalo ang Converge at nabigo ang Fiberxers na sungkitin ang pangalawang sunod na panalo matapos padapain ang Phoenix.


Kinontrol ng NLEX at lumamang ng 16 points, 61-45, sa basket ni Anthony Semerad ang 17 points, 71-54, sa dalawang charities ni J. Nieto sa gitna ng third quarter.


Nagawang makalapit ang Fiberxers sa fourth period. Subalit naubusan sila nang oras at mapait na ibinigay ang panalo sa NLEX.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page