top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Road Warriors, naka-playoff pa, Gilas, tinambakan ang India

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 16, 2022
2 min read

ni Gerard Arce - @Sports | July 16, 2022




Nagkaroon ng pagkakataon ang NLEX Road Warriors na makasungkit pa ng pwesto sa playoffs matapos na ibaon sa lupa ang Blacwater Bossing sa bisa ng 30-puntos na kalamangan sa 98-68, kahapon sa mas tumitinding aksyon sa elimination round ng 2022 PBA Philippine Cup sa Ynares Center sa Antipolo City.


Nagpamalas ng matinding atake ang Road Warriors sa simula pa lamang ng first quarter, na kabaligtaran naman para sa Blackwater na inabot ng kamalasan sa laro nang magtala lamang ng dalawang puntos sa pagtatapos ng first period sa 31-2 na tanging basket lang ni Yousef Taha.


Ito na ang ika-apat na beses sa kasaysayan ng liga na may isang koponan na nakapuntos ng 2 lamang sa isang quarter na ang tanging mga nakagawa ay ang Rain or Shine noong Clark Bubble, Coca Cola sa All- Filipino Cup nung 2003 at Sta. Lucia noong 2001 All-Pinoy.


Mas pinaigting pa ng NLEX ang kanilang opensa ng kumana ng 56-26 na bentahe sa pagpasok ng halftime na hindi na binitawan pa ng Road Warriors at pinaabot pa sa 41pts ang kalamangan sa 87-46 sa free throws ni Mike Nieto, para makuha ang 5-5 kartada para sa solo 7th place.


Samantala, patuloy pa ring hindi umubra sa Gilas Pilipinas ang World No.80 na India nang muling tambakan ito sa bisa ng 101-59 kahapon sa matapos bumuhos ang opensa sa apat na manlalaro na tumikada ng double figures sa Group D ng 2022 FIBA Asia Cup sa Istora Senayan sa Jakarta, Indonesia.


Hindi nagpatinag sa kanyang natamong masamang bagsak sa nakaraang pagkatalo kontra Lebanon, humataw ng halos perpektong laro si Thirdy Ravena ng 17 puntos sa 7-of-8 shooting kasama ang 5 rebounds at dalawang steals, habang nanguna sa puntusan si Will Navarro sa 18pts sa 6-of-7 shooting.


Sumandal sa 31-puntos na pagkamada sa second quarter mula sa 20-13 sa first period para makuha ang 51-33 sa halftime, na nakakuha rin ng kontribusyon mula kina Ray Parks na may 12pts, 4 assists at 3 steals at Abando sa 10pts.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page