top of page

Road warriors, hindi na-overtake ng Terrafirma Dyip, Alas, bida

  • BULGAR
  • Jun 9, 2022
  • 2 min read

ni GA - @Sports | June 9, 2022



Nagsagawa ng malaking paghahabol sa second half ang NLEX Road Warriors ng burahin ang 16-point lead upang matakasan ang Terrafirma Dyip sa iskor na 105-102, kahapon sa unang laro ng 2022 PBA Philippine Cup sa Smart Araneta Coliseum.


Hinayaan ng Dyip ang Road Warriors na umiskor ng 74 puntos sa dalawang huling quarter upang sungkitin ang unang panalo sa bagong komperensya matapos ang mainit na laro ni Kevin Alas mula sa bench na humirit ng 24pts, habang sumegunda ang nagbabalik na si Calvin Oftana sa 20 pts.


Bukod kay Alas, naging malaking tulong din sa bench points sina Jr Quinahan sa 18 pts at Don Trollano sa 15pts, habang ang starter na si Justin Chua ay nag-ambag ng 13 puntos.


Hindi na mapigilan ang ratsada ng Road Warriors sa 4th period ng itinala ang 9-pt lead sa lay-up ni Alas mula sa isa na namang turnover para sa 93-84 sa nalalabing 5:18 sa laro. Pinilit na mabawing muli ng Terrafirma ang kalamangan mula kina Juami Tiongson, Joshua Munzon at Ed Daquioag na naidikit pa sa 102-103 sa 4 na segundo matapos ang magandang depensa ni Munzon kay Chua, ngunit nagkaroon ng turnover ito at dalhin si Oftana sa free throw.


Nasayang ang tig-18pts nina Tiongson at Aldrech Ramos, habang may 15 pts si Munzon, 14pts si Daquioag at 12pts si Joseph Gabayni.


Nagtulong ang bigmen ng Terrafirma Dyip na sina Joseph Gabayni, Isaac Go at Aldrech Ramos sa ilalim ng basket upang makuha ang isang puntos na kalamangan sa 18-17 sa first quarter. Ipinagpatuloy ni Gabayni ang mainit na panimula katulong sina Munzon, Tiongson, Daquioag at rookie Javi Gomez de Liano na bumanat ng lay-up para dalhin sa 16-puntos na kalamangan sa 41-25 sa nalalabing 4:46 ng second period, habang tinapos ni Andreas Cahilig ng isang tres para makamit ang 47-31 na bentahe sa pagpasok ng halftime.


Mga laro ngayon (Huwebes) (Ynares Center, Antipolo) 5:15 n.h. – TNT Tropang Giga vs. Blackwater Bossing; 7:15 n.g. – Rain or Shine Elasto Painters vs Northport Batang Pier.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page