Road reblocking at repair sa Metro Manila, mula Nob. 11-14 – MMDA
- BULGAR
- Nov 12, 2022
- 1 min read
ni Lolet Abania | November 12, 2022

Nag-abiso ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Biyernes sa mga motorista na dumaraan sa Pasig at Quezon City na humanap na ng mga alternatibong ruta dahil sa maraming kalsada ang isasailalim sa mga konstruksyon.
Ang concrete reblocking at repairs na isasagawa ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ay nagsimula nitong Biyernes, Nobyembre 11, hanggang Lunes, Nobyembre 14.
Ayon sa MMDA, ang mga apektadong kalsada ay ang mga sumusunod:
*EDSA NB, Quezon City Boni Serrano flyover Service Rd. Boni Serrano hanggang Main Ave. 1st lane mula sidewalk, after P. Tuazon flyover hanggang bago ng EDSA/Aurora Blvd. tunnel 2nd lane mula center island (fast lane), EDSA-Kamuning Bus Carousel Station Bus Carousel lane, after Aurora Blvd. hanggang malapit sa New York St. 3rd lane mula sidewalk (intermittent section).
* Commonwealth Avenue Southbound Don Jose St., hanggang Odigal St. (2nd and 3rd lane) inner lane.
* Cloverleaf EDSA NB hanggang segment ng NLEX NB outer lane.
* Kahabaan ng C-5 Service Road Barangay Bagong Ilog malapit sa Monocrete Construction, kahabaan ng Lanuza cor. D. Julia Vargas malapit sa Valle Verde.
* C-5 Road, Pasig City Truck lane (KM 15 + 171 to KM 15 + 665)
* Kahabaan ng EDSA SB (Balingasa Creek to Oliveros Footbridge), Quezon City
Maaari nang daanan o fully passable ang mga apektadong kalsada ng alas-5:00 ng madaling-araw ng Lunes, Nobyembre 14.
Pinapayuhan naman ng MMDA ang mga motorista na maghanap muna ng mga alternatibong ruta para hindi na sila maabala pa sa kanilang pupuntahan.





Comments