top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Road races ng Alabang, Cebu, Davao Run, pinakaabangan

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 24, 2022
1 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | September 24, 2022



Tinatayang mahigit pinagsamang 40,000 na mananakbo ang magtitipon mamayang gabi ng Sabado para sa 7-Eleven Run 2022 na sabay-sabay gaganapin sa mga lungsod ng Muntinlupa, Cebu at Davao. Ito na ang hudyat ng pagbabalik sa kalsada sa isa sa pinakahinihintay na karera matapos ang 2019.


Napili ang Filinvest City Alabang, Cebu Business Park at SM City Davao bilang mga lugar ng fun run. Unang aalis ang mga tatakbo ng 42.195 kilometrong marathon sa 11:00 p.m. at susundan ng mga ibang kategorya na 32, 21, 10, lima at tatlong kilometro at Buddy Run na 10 at 5 kilometro para sa mga pares.


May naghihintay na gantimpalang salapi na aabot hanggang P25,000 para sa kampeon ng Marathon. Maliban doon, ang mga pinakamabilis na Filipino sa 42, 32 at 21 kilometro ang ipapadala sa Bangkok Marathon ngayong Nobyembre.


Tiyak na iinit ang gabi sa paglahok ng ilang mga kasapi ng pambansang koponan ng Athletics. Subalit nilinaw ng pamunuan ng karera na maaari silang manalo ng kampeonato pero hindi sasama sa Bangkok upang mabigyan ng pagkakataon ang mga bago at pausbong na atleta.


Hinihikayat ang lahat ng mga kalahok na dumating ng isa o 2 oras bago ang simula ng kanilang karera. Inaabisuhan din ang mga motorista na dumaan sa ibang lugar at pansamantalang magsasara ng kalsada.


Ito na ang ika-10 edisyon ng patakbo na nagsimula noong 2013 bilang Run 800 kasabay ng pagbukas ng ika-800 sangay ng tindahan. Noong 2021 ay naging isang virtual race ang 7-Eleven Run na nilahukan ng mahigit 30,000 mananakbo.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page