top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Roach, naniniwala nang panahon na para magretiro si Pacman

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 24, 2021
2 min read

ni Gerard Arce - @Sports | August 24, 2021




Maging ang trainer ni Manny Pacquiao na si Freddie Roach ay naniniwalang maaaring panahon na para magretiro ang kanyang paboritong alaga at fighter. Inulit-ulit ni Roach sa loob ng ilang taon na siya ang unang magpapayo kay Pacquiao na magretiro kung sa paniwala nito ay nanghihina na ang Pinoy boxing icon kaya pinayuhan na niya ito na maaaring ito na ang oras. "


“He’s the best customer I’ve ever had. He’s the best guy, the best fighter. You know, I hate to see the day he retires, but this could be it,” wika ni Roach kasunod ng 12-round unanimous decision loss ng eight-division World champion laban sa defending WBA (Super-World) welterweight titlist na si Yordenis “54 Milagros” Ugas noong Linggo. “He didn’t have a great performance tonight.


“We’ll see what Manny decides,” dagdag ni Roach na ipinapasakamay pa rin nito ang buong desisyon sa Filipino boxing legend.


Aminado ang 61-anyos na nahawakan ang karera ni Pacman ng mahigit sa 20-taon sa malaking bentahe ni Ugas sa height, reach at kabuuang pag-kontrol sa laban at hindi gaanong nagamit ang numero-unong arsenal ng tinaguriang ‘Pambansang Kamao’ na bilis at lakas dahil sa kakulangan ng tamang footwork at head movement.


“Manny had trouble reaching Ugas. Manny was not able to solve Ugas’ height and reach advantage,” saad ni Roach na malinaw naman na nakita sa Compubox na sa simula pa lang ng laban nila ay nahirapang maipasok nito ang mga malulutong na suntok. Ginabayan ni Roach si Pacquiao simula noong 2001 ng unang mahawakan ito sa Wild Card Gym sa Los Angeles, California kontra kay Lehlo Ledwada na nagtapos sa 6th round TKO para sa IBF super-bantamweight title, kung kaya’t kabisado na nito ang mga galaw at laro ng prize-fighter at inaming hindi na bumabata ang Kibawe, Bukidnon-born boxer.“I’m a little worried about it, yes [edad]. He’s boxed for a long time, and he’s boxed with me for a long time.”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page