Righteous Ruby, nominado sa PHILRACOM-PSA CUP
- BULGAR
- Jun 15, 2022
- 1 min read
ni Green Lantern - @Renda at Latigo | June 15, 2022
Nominado si Righteous Ruby sa magaganap na 2022 PHILRACOM-Philippine Sportswriters Association, (PSA) Cup na ilalarga sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite sa Hunyo 24.
Rerendahan ni former PSA-Jockey of the Year awardee Jonathan Hernandez si Righteous Ruby sa karerang may distansyang 1,600 meter race.
Nagdeklara ng pagsali sina Best Regards, Darleb, Crowded Trade, Dragon Butterfly, Full Stream, Shastaloo, Super Ninja at Time For Glory sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.
Ayon sa mga komento ng karerista sa social media, inaasahan nilang magpapakitang gilas si Righteous Ruby pero mapapalaban din siya ng todo dahil matitikas din ang mga kasali.
Kursunada ng ibang karerista sina Super Ninja at Darleb na puwedeng makatsamba sa laban kay Righteous Ruby.
Wala pang official na lineup, maaaring hindi makasali ang iba pero tiyak na magandang laban ang masisilayan ng mga karerista dahil sa nakalaan na premyo.
Ilalarga rin sa mismong petsa ang "National Press Club Cup" na lalahukan ng siyam na tigasing kabayo. Nasa listahan sina Coal Digger, Declare For Flare, Electrify, My Prancealot, Patong Patong, Secret Romance, Shanghai Noon, Sudden Impact at Work Bell.
Posibleng maraming suporta sina Work Bell at My Prancealot, tiyak na paghahandaan ng mga karerista ang mga nasabing karera.





Comments