top of page
SHOWBIZ SPECIAL - ROMNICK- 54-ANYOS NA AKO, NAGBI-VIDEO GAMES PA RIN, WALA PA AKONG NASAKT

Riders, pumalag sa MC taxi cap, multi-homing ban

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 5
  • 1 min read

ni Mervin Reyes @News | August 5, 2026



Hiniling din ng Nexus Riders na repasuhin ang pagbabawal sa multi-apping, o ang paggamit ng higit sa isang motorcycle taxi app, dahil nakatutulong umano ito upang magkaroon ng mas tuluy-tuloy na kita ang mga rider.

Photo: File / LTFRB



Nanawagan ang Nexus Riders Alliance sa pamahalaan na muling pag-aralan ang rider allocation cap ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), dahil maaari umano itong makaapekto sa kabuhayan ng libu-libong motorcycle taxi riders.


Hiniling ng grupo kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tiyaking hindi mawawalan ng hanapbuhay ang mga rider dahil sa ipinatutupad na capping system.


“PBBM, please help motorcycle taxi riders. Protect our livelihood. The riders affected by the cap are not just numbers. They are fathers, mothers, and breadwinners who rely on riding to support their families,” ani Nexus Riders Alliance chairman Renato Embiado.


Ayon sa grupo, nananatiling hindi malinaw kung ano ang mangyayari sa mga rider na hindi maisasama sa itinakdang allocation ng bawat platform sa ilalim ng provisional authorities.


Hiniling din ng Nexus Riders na repasuhin ang pagbabawal sa multi-apping, o ang paggamit ng higit sa isang motorcycle taxi app, dahil nakatutulong umano ito upang magkaroon ng mas tuluy-tuloy na kita ang mga rider.


Iginiit ng grupo na suportado nila ang regulasyon, kaligtasan, at pananagutan sa industriya, ngunit dapat umanong maging makatao at akma sa tunay na pangangailangan ng mga rider at commuter ang mga polisiya.


Nanawagan din ang samahan ng dayalogo kasama sina Pangulong Marcos, Transportation Secretary Giovanni “Banoy” Lopez, LTFRB, mga motorcycle taxi platform, at mga kinatawan ng riders upang matugunan ang kanilang mga hinaing.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page