top of page
Search
  • BULGAR

Riders, ingat sa motornapper na nagpapanggap na pasahero

@Editorial | April 29, 2024



Editorial


Isang motorcycle taxi driver ay nadale ng motornapper.


Hindi akalain ng rider na kawatan pala ang nag-book sa kanya.


Batay sa salaysay ng biktima, nakatanggap siya ng booking passenger na agad naman niyang pinick-up subalit habang nasa biyahe, bigla umanong pinatigil ng lalaking angkas ang biktima sa gilid ng kalsada.


Agad naman itong sumunod pero laking gulat niya nang pagkababa ng suspek ay tinutukan siya ng baril saka pinababa na siya ng motor. Dito na tinangay ng suspek ang motor ng biktima.


Sino’ng mag-aakala na sa isang iglap natangay ang motor ng rider na naghahanapbuhay. Nalagay pa sa alanganin ang kanyang buhay.


Ito ang bagay na dapat ay maiwasan lalo’t dumarami ngayon ang nagtatrabaho bilang motorcycle taxi driver.


Panawagan lalo na sa mga kumpanyang may hawak sa kanila, sana’y magkaroon ng epektibong paraan upang maprotektahan ang kanilang mga rider. Kung may security device o anumang paraan na puwedeng gawin, mas mainam.


Sa panahon ngayon, hindi maitatanggi na nagkalat talaga ang mga kriminal. Kailangan tayong magdoble ingat. Lagi ring isipin kung ano ang mas makakabuti kapag napunta sa alanganing sitwasyon. Unahin ang buhay.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page