Riders at 4-wheel drivers, dapat sumunod sa motorcycle lane
- BULGAR
- Mar 26, 2023
- 1 min read
@Editorial | March 26, 2023
Bukas na ang inaasahang simula ng pagpapatupad ng exclusive motorcycle lane sa Commonwealth Avenue, mula Elliptical Road hanggang sa Doña Carmen at vice versa sa Quezon City.
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), P500 ang multa para sa mga lalabag dito.
Batay sa datos ng ahensya, umabot sa 20,656 ang nasita sa dry run ng exclusive motorcycle lane sa Commonwealth Ave. mula Marso 9 hanggang 24. Sa naturang bilang, 4,527 rito ay mga motorcycle riders habang 16,129 naman ay mga four-wheel vehicle drivers.
Matatagpuan ang designated MC lane sa ikatlong lane mula sa bangketa ng Commonwealth Avenue.
Layunin nito na mabawasan ang mga motorcycle-related road crash incidents at matiyak na maayos ang daloy ng trapiko sa nabanggit na kalsada.
Katuwang ng MMDA sa pagpapatupad ng exclusive motorcycle lane ang lokal na pamahalaan ng Quezon City.
Malinaw ang nakasaad sa panuntunan, lahat ay dapat na sumunod sa motorcycle lane, riders, 4-wheel drivers, lahat ng motorista.
Kung nais natin na magkaroon ng maayos na sistema sa trapiko, sumunod tayo sa lahat ng batas. Hindi lang tayo makakaiwas sa multa, higit sa lahat, iwas pa sa disgrasya.
Sa mga pasaway at talagang walang disiplina sa sarili, marapat siguro na patawan na rin ng mas mabigat na parusa para magtanda.



Comments