Rider nakatulog, sumalpok sa presinto

10 hours ago
1 min read
by BRT @News | September 14, 2026

Photo: QCPD Station 6 - CCTV
Isang rider ang sugatan matapos sumalpok papasok sa isang presinto sa Batasan, Quezon City.
Sa kuha ng CCTV, makikitang dumiretso sa Quezon City Police District Station 6, ang motorsiklo kung saan napatakbo ang desk officer.
Sa isang panayam sa rider, galing siyang trabaho at dahil sa pagod at puyat ay nakatulog siya habang nagmamaneho.
Posible namang maharap sa kaukulang kaso ang nasabing rider.





Comments