Rider na tulak ng drugs sa mga estudyante, timbog
- BULGAR

- 17 hours ago
- 1 min read
ni Maeng Santos @News | August 23, 2026

Photo: PNP-NCRPO
Mahigit P136K halaga ng high-grade marijuana ang nasamsam sa isang hinihinalang high-value drug personality nang maaresto sa buy-bust operation sa Valenzuela City, Biyernes ng umaga.
Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Benliner Capili, kinilala ni Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento ang suspek na si alyas Leonard, 25, ng Caloocan City.
Ayon kay SDEU Chief P/Lt. Sherwin Dascil, ikinasa nila ang buy-bust operation sa koordinasyon sa PDEA kasunod ng natanggap na ulat na ang suspek umano ang nagbabagsak ng marijuana sa Valenzuela na ibinebenta naman sa mga estudyante sa lungsod na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanya alas-10 ng umaga sa Brgy. Marulas.
Ani SDEU investigator PSSg. Cris Paul Collo, nakuha sa kanya 114 grams ng hinihinalang high-grade marijuana (kush) na nagkakahalaga ng P136,800.
Pinuri ni Mayor Wes Gatchalian ang Valenzuela CPS sa pamumuno ni Col. Talento sa kanilang matagumpay na drug operation.





Comments