top of page
SHEET - ARCHIE, NAKITAAN NI GEE NG 2 SACHETS NG DRUGS SA KOTSE-IG _archiealemania & _ogied

Rich daw kaya ‘di kailangan ang aktres… DATING MANAGER, NABUNUTAN NG TINIK AFTER IBULGAR ANG MGA GINAWA SA KANYA NI BEA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 23 hours ago
  • 2 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | September 1, 2026



WINNER - DATING MANAGER, NABUNUTAN NG TINIK AFTER IBULGAR ANG MGA GINAWA SA KANYA NI BEA-FB Erik Matti & IG _beaalonzo

Photo: FB Erik Matti & IG _beaalonzo



Spotted ang manager na si Shirley Kuan (SK) sa isang resto kasama ang mga film producers na sina Direk Dondon Monteverde at Erik Matti.


Ibinahagi ni Direk Erik sa Instagram (IG) ang pagkikita nila ni Shirley with Dondon. Happy ang vibe ng meeting nilang tatlo based sa photos na ipinost.

Sa caption, tila nakakaintriga ang sinabi nito.


“Thanks for lunch, SK! #shirleykuan,” simula ni Direk Erik.

Dugtong niya, “Hey, guys, just to be clear, I don’t know anything. But the DM (direct message) is the (key emoji).”


For sure, may kinalaman sa hiwalayan ni SK at dati niyang talent na si Bea Alonzo ang isa sa mga naging topic sa pagkikita nila.


Well, halatang masaya na si SK sa photos nila nina Direk Erik at Dondon. Eh, kasi nga naman, para siyang nabunutan ng tinik pagkatapos niyang ibulgar ang mga ginawa sa kanya ng dati niyang alaga.


Aba, ang tagal din niyang nagpigil bago tuluyang isinambulat ang katotohanan.

At least now, pareho nang payapa and moving forward na sa kani-kanilang buhay sina SK at Bea.


Bukod sa kanyang career as a manager, busy din ito sa kanyang dalawang anak na lalaki na parehong napaka-bright sa school.


Sa isang university sa New York nag-aaral bilang college student ang panganay na anak ni SK. Alam na kung magkano ang tuition fee roon, ha? 


Parang magka-level lang o higit pa ang tuition fee ng eldest son ni SK sa ibinayad ni Manny Pacquiao para sa anak niyang si Queenie sa Chicago. Kung nasa P4 million a year si Queenie, nasa mahigit P4M naman ang tuition fee ng anak ni SK. 


And take note, scholar ang anak ng manager sa pinapasukan nitong university sa New York, habang sa isang sikat na international school dito sa ‘Pinas pumapasok ang kanyang youngest son.


Kaya true ang sinabi niya na bago niya hinawakan ang career ni Bea, rich na talaga siya noon pa. At kahit wala na ang aktres sa kanya, hindi ito ikahihirap ni SK.

Talbog!





PIOLO AT UTOL NI ENCHONG NA SI AJ, NAG-REUNION SA NORWAY



NAGKITA muli si Piolo Pascual at ang kuya ni Enchong Dee na si AJ Dee pagkatapos ng matagal na panahon. 


Si AJ ang mas naunang sumabak sa showbiz kesa kay Enchong.


Naganap ang pagkikita nila sa Norway kung saan based si AJ for the past couple of years. Kasama ng dating aktor ang kanyang Norwegian wife na si Olga Havran at ang dalawa nilang anak na lalaki. 


Nagtatrabaho si AJ sa Norway bilang fashion blogger at stylist. 


Kasalukuyang may concert tour sa Europe si Piolo kasama ang anak na si Iñigo Pascual, at isa ang Norway sa mga lugar sa Europe na kanilang pagtatanghalan.

Hindi lang sila basta nagkita dahil si AJ mismo ang tumulong kay Piolo na maghanap ng unique, pre-owned or retro clothing sa thrift stores and vintage boutiques doon.


Nagkasama rin sina Piolo at AJ sa dalawang pelikula noon — ang Dreamboy with Bea Alonzo at ang Love Me Again (Land Down Under) kung saan kapareha naman niya si Angel Locsin.


Bukod d’yan, ninong din nina AJ at Olga sa kasal si Papa P., habang ninang naman nila si former Vice-President Leni Robredo, na taga-Naga rin tulad ni AJ.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page