top of page

Ricci, walang sama ng loob kay Andrea

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 14, 2024
  • 1 min read

ni Eli San Miguel - Trainee @Entertainment | January 14, 2024




Ipinahayag ng professional basketball player na si Ricci Rivero na wala siyang sama ng loob sa kanyang dating celebrity girlfriend na si Andrea Brillantes, sa kabila ng kanilang pampublikong hiwalayan kung saan naglabas sila ng mga akusasyon laban sa isa't isa.


"Ever since the start, nagsasalita lang naman ako kapag medyo bugbog na yung family ko at si Leren (Bautista), which I think they don't deserve," paglilinaw ni Ricci nang interbyuhin siya sa pagdiriwang ng ikatlong anibersaryo ng Zion Philippines sa Solaire Resort.


"Kasi ako, wala naman po sa akin 'yun since pumasok ako du'n sa relationship. I know naman how social media plays in our lives and the spotlight we got during that time. Pero sa akin, wala naman talagang anything, no bad blood," aniya tungkol sa kontrobersiya kaugnay ni Andrea.


"Ang sa akin lang, masakit sa family ko at kay Leren kasi they don't deserve ang mga words na nasabi sa kanila and ang mga judgments," dagdag niya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page