top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Reyna kuno pero… BEA, GINAWANG ALALAY NI KYLINE, PINAGHAWAK NG B-DAY CAKE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 7, 2023
  • 1 min read

ni Ambet Nabus @Let's See | September 7, 2023



“Eh, ano naman? Napakadisente nga ng ginawa niya,” sigaw naman ng mga tagahanga ng mahal din naming si Bea Alonzo.


Kaugnay 'yan ng nag-viral ding photo at video ng pagpapahawak o paghawak niya ng birthday cake ni Kyline Alcantara sa isang musical variety show ng Kapuso Network.


Ayon kasi sa mga bashers, hindi raw ito nakaka-reyna o nagmistulang alalay ang peg ni Bea.


Pero ayon nga sa naging tugon ni Bea sa ka-Marites University naming si Beshy Jai Ho, “Nakita ko kasing nahihirapan si Kyline dahil may flowers na, may hawak pang mic,” kaya umano nag-volunteer itong hawakan ang cake.


Natatawa man, pero ayaw nang patulan ni Queen Bea ang obvious namang nagpapansin lang na mga bashers niya.


Nag-guest si Bea sa naturang show para sa promo ng Love Before Sunrise TV series nila ni Papa Dennis Trillo sa GMA-7.


Tuloy, napatanong kami sa mga bashers kung bakit hindi nila sinilip man lang kung ano ba talaga ang isyu between Kyline at Cassy Legaspi na isa sa mga co-hosts ng Eat… Bulaga!?


Lalo na’t sa naturang photo at video ay nowhere to be found si Cassy habang ang mga kasama niya sa show, especially her ‘kambal’ na si Mavy Legaspi ay super-asikaso kay Kyline?


Kapag sinabi ba nating kumpirmasyon ‘yun ng sinasabing hidwaan nina Kyline at Cassy ay matutuwa ang mga namba-bash kay Bea?


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page