Retirement age ng pulis, itataas sa 60
- BULGAR

- 22 hours ago
- 1 min read
ni Mervin Reyes @News | August 29, 2026

Photo: PNP / File
Pag-aralan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang itaas mula 56 hanggang 60 ang mandatory retirement age ng mga miyembro ng Philippine National Police (PNP).
Ito ay matapos ipahayag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla ang kanyang suporta sa panukalang baguhin ang kasalukuyang retirement age ng mga pulis.
Binigyang-diin ni Remulla na umabot na sa mahigit 70 taon ang life expectancy o inaasahang haba ng buhay ng mga Pilipino. Dahil dito, aniya, maaari pa ring maging competitive at produktibo ang mga pulis na umaabot sa kasalukuyang mandatory retirement age na 56.
Samantala, sinabi ni Manila Rep. Rolando Valeriano na kasabay ng posibleng pagtataas ng retirement age ay kailangang magpatupad ang DILG at PNP ng mahigpit at taunang health evaluations na naaayon sa edad at kakayahan ng mga opisyal.
Layunin nito na matiyak na ang mga pulis na mananatili sa serbisyo hanggang 60-anyos ay nananatiling pisikal at mental na may kakayahang gampanan ang kanilang mga tungkulin.





Comments