top of page
FRANKLY - PIKTYUR NI ELLEN NA MAY KASAMANG MALE MODEL SA CHINA, AGAW-EKSENA_IG _maria.elen

Retiradong sundalo niratrat, utas

Writer: BULGAR
BULGAR
20 hours ago
1 min read

by Mai Ancheta @News | November 18, 2026



68 anyos Retiradong sundalo - Circulated

Photo: Circulated / FB



Nasawi ang isang 68-anyos na retiradong sundalo matapos pagbabarilin ng mga kalalakihan habang sakay ng kanyang sasakyan sa national highway sa Datu Odin Sinsuat , Maguindanao del Norte nitong Lunes, Nov. 16.


Kinilala ang biktima na si Danny Alif Lakim na nagtamo ng maraming tama ng bala sa iba't ibang bahagi ng katawan.


Sakay ang biktima ng kanyang Toyota Avanza nang pagbabarilin.


Nawalan umanong kontrol sa kanyang sasakyan ang biktima at bumangga ito sa puno ng niyog.


Agad na dinala ang biktima sa ospital subalit hindi na umabot nang buhay. 

Nagpapatuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang pagkakakilanlan sa mga salarin.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page