top of page
Search
  • BULGAR

Restobar nilooban, suki arestado

ni Maeng Santos @News | September 18, 2023




Kalaboso ang isang kawatan na nanloob sa isang restobar na madalas niyang puntahan sa Navotas City.


Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes ang suspek na si Alvin Fernando, 22, ng Bgy. Tangos South.


Sa imbestigasyon ni P/SSgt. Edison Mata, madalas umanong magtungo ang suspek sa Negi’s Bar and Grill sa M. Naval St., Bgy. Sipac-Almacen upang uminom kaya’t kilala na siya ng manager na si Chysser Cruz, 34.


Sa kuha ng CCTV, nakita ang ginawang pagsira ni Fernando sa kandado ng pintuan ng bar, alas-4:37 ng madaling-araw pati na ang pagtangay niya ng P80,000 cash na nakalagay sa kahon bago tumakas, sakay ng electronic bike.


Humingi ng tulong si Cruz sa pulisya at matapos mapanood ang kuha ng CCTV camera sa kanyang mobile phone ay agad iniutos ni Col. Cortes ang pagtugis sa suspek na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanya alas-6 ng gabi.


Nabawi sa suspek ang nasa P13,000 nalang at ang ginamit niyang E-bike.



0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page