top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Responsableng pagboto, daan sa malinis na halalan

BULGAR
Apr 6, 2022
2 min read

ni Ryan Sison - @Boses | April 6, 2022


Naglunsad ng nationwide information drive para sa responsableng pagboto ang Department of the Interior and Local Government (DILG).


Sa “Series of Information Drive on Responsible Youth and 2022 Elections”, katuwang ng ahensiya ang Commission on Elections (Comelec), National Youth Commission (NYC) at Legal Network for Truthful Elections (Lente), kung saan layunin nitong mabigyan ng edukasyon ang kabataan pagdating sa responsableng pagboto.


Sa naturang aktibidad, itinuro ang tamang paggamit ng vote counting machine, gayundin, tinalakay ang misinformation, disinformation at malinformation na may kaugnayan sa eleksyon.


Samantala, ipinaliwanag ni DILG spokesperson Undersecretary Jonathan Malaya na ginagawa nila ang ganitong klaseng mga aktibidad upang ipaalam sa mga kabataan na bukod sa hindi pagtanggap ng pera mula sa vote buying, kailangan ding makasuhan ang mga taong nasa likod nito.


Kapag panahon ng eleksyon, hindi nawawala ang usaping vote buying, dayaan at maging ang pagkalat ng mga maling impormasyon. Bagay na nagiging dahilan kaya’t nawawalan ng tiwala ang taumbayan sa kredibilidad ng halalan.


Kaya naman, magandang hakbang ang ginagawang information drive nang sa gayun ay magkaroon ng sapat na kaalaman ang mga botante, lalo pa’t matatandaang lagpas kalahati ng 65.7 milyon o 56% ng botante sa bansa ay nasa edad 18 hanggang 41.


‘Ika nga, panahon na para labanan ang maling paniniwala sa halalan.


Habang tinitiyak nating hindi malalason ang pag-iisip at paniniwala ng kabataan, hangad nating magkaroon ng malinis at matagumpay na eleksyon.


Tulad ng nabanggit, malaking porsyento ng mga botante ay kabataan, at kung lahat sila ay responsableng boboto, malaking tulong ito sa bansa.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page