Residente ng Pasay City na hindi magsuot ng face mask, mumultahan
- BULGAR

- Jul 9, 2020
- 1 min read
ni Thea Janica Teh | July 8, 2020

Gumawa ng ordinansa ang Pasay City para sa mga residente nitong hindi magsusuot ng face mask.
Sa ilalim ng City Ordinance No. 6098 series of 2020, obligado ng magsuot ng face mask ang mga resident eng Pasay City. Ito ay para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa kanilang lugar.
Ang sinumang lalabag sa kautusang ito ay pagmumultahin ng Php2,000. Bibigyan din umano ang mga nahuli ng citation ticket na isusumite sa Office of the City Treasure kasabay ng babayarang multa.





Comments