top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Republicans at PAOwer swak na sa NBL semifinals

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 13, 2022
2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | December 13, 2022



Kumpleto na ang listahan ng semifinals ng 2022 National Basketball League (NBL) Chairman’s Cup sa hiwalay na tagumpay ng DF Bulacan Republicans at La Union PAOwer sa quarterfinals noong Linggo ng gabi sa Muntinlupa Sports Center. Tinalo ng Republicans ang Quezon City All-Stars, 91-80, at sinundan ng 106-91 tagumpay ng PAOwer sa Camarines Sur Express.


Sunod na haharapin ng Republicans ang Taguig Generals sa seryeng best-of-three simula ngayong Miyerkules sa Bren Z. Guiao Convention Center sa City of San Fernando, Pampanga. Ang kabilang serye ay sa pagitan ng La Union at defending champion Pampanga Delta.


Humugot ng mga puntos sa tamang panahon ang Bulacan upang masupil ang mga huling banta ng QC at pinalaki ang 68-66 lamang sa 82-72. Ginawaran ng Best Player si RV Jumaquio sa kanyang 16 puntos at 12 rebound habang malaking tulong sina Christian Necio na may 19 puntos at Gabe Capacio na may 15 puntos at 10 rebound.


Kumayod ang mga malalaki ng PAOwer upang maabot ang 96-80 lamang at 3:39 sa 4th quarter. Ipinasok ni Best Player Billy Ray Boado ang 9 ng kanyang 20 puntos sa 4th quarter at double-double si Pambid na 22 puntos at 11 assist.


Samantala, tinakasan ng Emeralds Academy ang bisitang Epson Metal-Escuela de Sophia, 64-62, upang walisin ang lahat ng 10 laro patungo sa Under-16 kampeonato ng 2022 NBL Youth Second Conference. Bago ang laro ay pinarangalan si Matthew Arrick Macoy ng Green Knights bilang MVP ng torneo at sinamahan siya sa Mythical Five ng kakamping si Clark Andrei Javier, Alwynn Arboleda at Jamal Xedric Diaz ng Emeralds at Gabriel Carlos ng TYJ Trading. Ang susunod na NBL Youth ay nakatakda sa Enero, 2023.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page