top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Republicans at Generals, 'di padadaig sa NBL Cup

BULGAR
Apr 3, 2022
1 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | April 3, 2022




Parehong susubukan ng DF Bulacan Republicans at bisitang Taguig Generals na manatiling walang talo ang kartada sa pagbabalik ng 2022 National Basketball League (NBL) President’s Cup handog ng FSD Insurance at Converge ngayong Linggo sa Bulacan Capitol Gym sa Malolos City simula 6:00 ng gabi. Nangunguna sa liga ang Republicans na may apat na sunod na panalo habang hindi nalalayo ang Generals na may dalawang sunod na tagumpay.

Susukatin kung hanggang saan aabot ang matinding opensa ng Bulacan na 101.8 puntos bawat laro. Ang lahat ng first five ay gumagawa ng 10 o higit pang puntos na sina Marlon Monte, Joseph Celso, JM Cruz, Christian Necio at Ryan Spencer Operio.

Depensa ang susi sa mga panalo ng Generals. Aasahan muli sina sentro Jonathan Lontoc at gwardiya Dan Anthony Natividad na hinirang na Krooberg Best Player sa hiwalay na laro.

Sa unang laro ng 4 p.m., todo ganado ang Paranaque Aces matapos makatikim ng unang panalo at gagawin nila ang lahat para masundan ito laban sa Quezon Barons. Nanaig ang Aces sa Las Pinas Lodis, 92-84, noong Marso 26 sa likod nina Krooberg Best Player Gabe Capacio at Vincent Alves.

Pupulutin ng Barons ang sarili matapos ang masaklap na 94-107 pagyuko sa Republicans nooong Marso 19. Dala ang pantay na kartadang 2-2, huhugot ng lakas ang Quezon sa tambalang Domenick Vera at Christopher Lagrama.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page