top of page

Repatriation at proteksyon para sa mga OFW, ngayon na

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 3
  • 1 min read

by Info @Editorial | March 3, 2026



Editoryal, Editorial


Habang umiinit ang sigalot sa pagitan ng Amerika-Israel kontra Iran, dapat mas matutukan ang libu-libong overseas Filipino workers (OFWs) na direktang naaapektuhan ng sitwasyon.


Hindi sapat ang mga pahayag ng “nakahanda ang gobyerno.” Ang kailangan ay agaran, malinaw, at organisadong tulong. Dapat tiyakin ng Department of Migrant Workers at Overseas Workers Welfare Administration na may konkretong evacuation at repatriation plan para sa mga nais umuwi. 


Hindi dapat maging hadlang ang kakulangan sa dokumento o pondo sa oras ng krisis.

Dapat ding may sapat na financial assistance para sa mga mawawalan ng trabaho o pansamantalang hindi makakapagtrabaho dahil sa kaguluhan.


Inaasahan din na may malinaw at tuluy-tuloy na komunikasyon mula sa mga embahada at konsulado upang hindi malito o mataranta ang ating mga kababayan.


Ang OFWs ang isa sa may pinakamalalaking ambag sa ekonomiya ng bansa. Sa kanilang sakripisyo umaasa ang milyun-milyong pamilyang Pilipino. Kung may panahon na dapat ipakita ng pamahalaan ang tunay na malasakit, ito ay ngayon—habang may banta ng digmaan at kawalang-katiyakan sa kanilang kaligtasan.


Ang mga OFW ay hindi lamang “bagong bayani” sa salita. Panahon na upang patunayan natin, sa gawa at konkretong aksyon, na tunay natin silang pinahahalagahan—lalo na kung ang kanilang buhay at kinabukasan ay nalalagay sa panganib. 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page