Rep. Atayde, nanindigang walang kinalaman sa katiwalian
- BULGAR

- Nov 25
- 1 min read
Updated: Dec 1
by Info @ News | November 25, 2025

Photo File: Circulated
‘Wala akong kinalaman sa anumang katiwalian’
Ito ang binigyang-diin ni Quezon City 1st District Rep. Arjo Atayde kasunod ng pagharap niya sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) ngayong Martes, Nobyembre 25, kaugnay ng pagkakadawit niya sa maanomalyang flood control projects.
Ayon kay Atayde, wala siyang kinalaman sa anumang katiwalian, lalo na sa mga proseso ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na aniya’y wala siyang kakayahan diktahan.
Sa parehong pahayag, sinabi rin ng kongresista na hindi siya kailanman naging bahagi ng Bicameral Conference Committee.
“Wala pong ghost projects sa distrito natin. Wala pong ninakaw na pera ng bayan,” ani Atayde.
“I will continue to cooperate fully with the ICI until it completes its work. Haharap muli ako kung kinakailangan,” dagdag pa nito.








Comments