ni Angela Fernando @News | June 23, 2024
Nagkamali ng pagkalat ang miyembro ng K-pop boy group na NCT na si Renjun ng isang numero ng tagasuporta matapos niyang akalaing “sasaeng” ito o obsessed fan.
Maraming ‘NCTzen’ o tagasuporta ng Korean singer ang agad na inatake ang nasabing fan matapos kumalat ang numero nito online na nagdulot ng malaking epekto sa nasabing indibidwal.
Mabilis naman ang Korean idol sa paghingi ng tawad at personal na ipinost sa kanyang Instagram ang apology letter kamakailan.
“I apologize to the person who was negatively affected by my reckless behavior yesterday. I have always wanted to bring positive energy through music and performances, but I think I made a poor decision due to a lapse in judgment,” panimula ni Renjun.
“I sincerely apologize to the individual who was hurt and negatively impacted by my actions. Due to my reckless behavior, the victim is suffering right now. Please kindly stop contacting the victim,” dagdag pa nito.
Nagpaabot din ito ng kanyang pagsisisi sa ginawang pagkakamali at muling humingi ng tawad sa nasaktan sa kanyang ginawa.
Matatandaang humingi na rin ng tawad ang management ng K-pop artist na SM Entertainment sa social media platform na ‘Bubble’ kamakailan dahil sa hindi maingat na desisyon na nagawa ng kanilang talent.
תגובות