Malakas ang loob na sumuko… IPE, TINAWAG DAW NA ‘MAGNANAKAW’ ANG BFF NA SI BONG, UMALMA
- BULGAR

- 1 hour ago
- 2 min read
ni Janiz Navida @Showbiz Special | February 13, 2026

Photo: Philip Salvador at Bong Revilla Jr. - FB
May isang digital content creator kasi na nag-post sa YouTube channel nito ng balitang diumano ay may maaanghang na pahayag si Ipe laban sa kaibigang si Sen. Bong matapos itong sumuko kaya nakakulong ngayon sa QC Jail sa Payatas.
Sa inilabas sa YouTube, sabi umano ni Ipe, “Hindi ba kayo nagtataka, mga kababayan, malakas ang loob na sumuko?
“Kahit kaibigan ko si Bong Revilla, ito lang ang sasabihin ko…talagang magnanakaw ‘yan! Noon pa man 2014, ginawa na niya ‘yan kay Napoles.
“Pero ngayon, nagtataka ako, sumuko siya nang boluntaryo. May hinala ako, may plano ‘yang si Bong Revilla.
“Alam kong palabas lang nila ‘yan para masabi na may nakulong na maliit na isda. Baka magturo ‘yan, ituro ang mga Duterte. Kilala ko ‘yan!”
Agad na inalmahan ni Kuya Ipe ang balita at dismayado sa paninira sa kanya.
Kaya ang bilin niya sa mga netizens, maging mapanuri at ‘wag basta-basta maniniwala sa mga napapanood o nababasa sa socmed.
Matagal nang mag-best friend ang dalawang aktor kaya napakaimposible talagang si Kuya Ipe pa ang magsalita nang ganiito laban kay Sen. Bong.
Aktor, super-tanggap na BF ng anak…
ECHO, NIYAKAP ANG TATAY NI JANINE NA SI MONCHING
Maraming EchoNine fans ang natuwa nang makita si Jericho Rosales na lumapit at yumakap pa sa tatay ni Janine Gutierrez na si Ramon Christopher “Monching” Gutierrez sa nakaraang birthday party ng ama nitong si Tito Eddie Gutierrez.
Sign lang daw ito na marespeto si Echo sa mga magulang ng kanyang girlfriend at nakuha na niya ang pagsang-ayon ng mga ito sa kanilang relasyon.
Mukhang if ever daw balakin ni Echo na yayain nang magpakasal si Janine ay wala siyang magiging problema dahil tanggap siya nina Monching at Lotlot de Leon.
‘Yun nga lang, hindi pa yata annulled si Echo sa estranged wife na si Kim Jones kaya
paano siya magpo-propose kay Janine?
Kunsabagay, isang taon pa lang naman yata ang relasyon nila, so no need to rush lalo’t marami pang puwedeng gawin sa career niya si Janine.
HINDI na pinatagal pa ni Phillip Salvador ang kumakalat na fake news na mukhang gusto silang pag-awayin ng kaibigang si Sen. Bong Revilla.
Kabado na tinitiktikan…
PAULO, HULI NA MAY TODO-PIKTYUR SA BAHAY NIYA, MUKHA NG LALAKI’T BABAE, INILABAS SA SOCMED
NAALARMA ang aktor na si Paulo Avelino sa isang babae at isang lalaki na ilang araw na raw nagmamatyag sa kanilang bahay at kinukunan pa ng photos.
Kaya naman sa kanyang X account, nag-post si Paulo at inilabas ang photo ng dalawang kahina-hinalang babae’t lalaki na nagmamatyag daw sa kanyang bahayl
Aniya sa caption, “Since ilang araw n’yo rin naman na kinukunan ng picture and video ‘yung labas ng bahay namin, okay lang naman din siguro na i-post ‘yung picture n’yo para patas lang.”
Hmmm… Gets namin ang pag-aalala ni Paulo, pero just wondering, nai-report na kaya niya ito sa mga authorities bago pa niya inilabas sa socmed ang naturang pangamba niya sa kanilang kaligtasan?
Hindi kaya stalker o paparazzi ang mga ‘yan at gusto lang ma-confirm ang chikang sa bahay na diumano ni Paulo nakatira at umuuwi si Kim Chiu?
May ganern?!!!








Comments