Rematch ng May-Pac 2 maaantala na naman
- BULGAR

- 5 hours ago
- 2 min read
by Gerard Arce @Sports News | May 25, 2026

Photo: Netflix
Maaaring maunsyaming muli ang ikalawang inaantabayanang makasaysayang rematch sa pagitan nina unbeaten Floyd “Money” Mayweather at nag-iisang eight-division titlist Manny “Pacman” Pacquiao sakaling hindi umayon sa sitwasyon – kaya’t nakahanda umano ang Netflix na humanap ng kapalit na laban para sa nakahandang September 19 match sa Las Vegas, Nevada sa Estados Unidos.
Mahigit 11- taong inabangan ang malaking rematch na naunang nasilayan noong Mayo 2, 2015 na binansagang “Battle for Greatness” o “Fight of the Century” na ginanap sa jampacked na MGM Grand, kung saan lumikha ng kasaysayan pagdating sa pay-per-view at kabuuang kinita sa pandaigdigang kinita.
Subalit nais makasigurado ng top video on-demand subscription na Netflix na matutuloy ang laban kasunod ng pabago-bagong mga plano at detalye sa nasabing laban, kabilang ang pag-alis sa unang plano na lugar na The Sphere sa Las Vegas tungo sa alinman sa MGM Grand Garden Arena o T-Mobile Arena at ang pagpapalit ng petsa, ayon sa ilang malapit sa laban.
Napipisil ng Netflix na tapikin ang isang world title fight sa pagitan nina reigning World Boxing Council (WBC) welterweight champion Ryan “KingRy” Garcia ng US at British boxer Conor “The Destroyer” Benn.
“No [it won’t happen]. Not now. Also, Netflix is only gonna do so many fights. And the word is they’re doing Benn vs Garcia now, on September 12 or whenever that’s gonna be. And that’s obviously the fight that’s replacing Mayweather-Pacquiao,” pahayag ni Matchroom Promotions head Eddie Hearn sa panayam ng FightHype.
“If Mayweather-Pacquiao happened, they’re committed to that fight. But if that doesn’t happen, they’re going to want another fight to slot in there.”
May lumalabas rin na report na sakaling muling magbago ang kasunduan ng panig nina Pacquiao at Mayweather, ay maaaring humanap umano ng kapalit sa alinman sa aatras sa dalawang boksingero.





Comments