top of page
Matet de leon - FB.jpg

Religious, civil society kontra-korupsiyon... White Ribbon March sa June 28, kasado na

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 days ago
  • 1 min read

ni Jeff Tumbado @News | June 20, 2026



The White Ribbon March - Veritas PH

Photo: Veritas PH



Nakatakdang magsagawa ng “White Ribbon March” sa Hunyo 28, 2026 sa EDSA People Power Monument ang Simbahang Katolika at iba pang religious groups upang manawagan ng pananagutan sa lahat ng sangkot sa korupsiyon.


Pangungunahan ang pagkilos ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, kasama ang Inter-Religious Leaders Council for National Transformation (IRLCNT) at ang White Ribbon Movement (WRM).


Sa isang press conference nitong Biyernes, hinikayat ni Bagaforo ang publiko na makiisa sa martsa.


“Bilang mga mamamayan, alam natin ang ating tungkulin. Ipinagkakatiwala natin ang ating bayan sa Diyos. Kaya naman tayo ay magkaisa sa Hunyo 28, 2026 sa People Power Monument upang muling magsagawa ng malawakang pagkilos,” ani Bagaforo.


Ayon sa mga organizer, layunin ng pagkilos na ipakita ang panawagan ng iba’t ibang sektor para sa katotohanan, transparency, at pananagutan ng mga opisyal ng pamahalaan, kasabay ng pagharap ng bansa sa mahahalagang usaping pampulitika.


Inaasahan na dadaluhan ang White Ribbon March ng mga lider ng Simbahan, mga miyembro ng iba’t ibang religious organizations, at civil society o mga mamamayang nais ipahayag ang kanilang panawagan para sa pananagutan at maayos na pamamahala sa bansa.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page