top of page
Pokwang.jpg

Relief goods para sa mga nasalanta ng bagyo, makarating sana agad

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 27, 2020
1 min read

@Editorial | October 27, 2020



Kaugnay ng pananalasa ng Bagyong Quinta, tiniyak ng gobyerno na nakabantay ito at handang rumesponde.


Ayon pa sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Bicol, ready na sila sa pamamahagi ng relief goods sa mga posibleng maapektuhan ng bagyo.


Nasa 14,678 family food packs na nagkakahalaga ng higit P5.3 milyon ang handa na umanong ipamahagi sa mga residente na una nang lumikas dahil sa banta ng baha at pagguho ng lupa.


Maliban dito ay nasa P26.4 milyon na halaga ng non-food items pa ang available sa opisina ng DSWD - 5,000 sleeping kits, 1,000 sets ng hygiene kits, 34,000 na malongs, 21,000 na mga kumot, laminated sacks, tent at kitchen utensils.


Tiniyak din na naka-activate na ang advisory team na makikipag-ugnayan sa mga Municipal Disaster Risk Reduction Offices.


Mayroon din umanong P3 milyon na standby fund para sa karagdagang augmentation support sa mga local government units.


Masasabing bahagi na ng pamumuhay nating mga Pinoy ang bagyo at sa bawat paghagupit ay natututo tayong maging mas matatag.


Alam na natin kung paano magiging mas handa at kung paano muling babangon.


Gayunman, may mga pagkakataong sadyang hindi sapat ang lahat at talagang may naiiwang bakas.


Ito naman ang pagkakataon para umalalay ang gobyerno.


Kung talagang handa at may nakalaang tulong, sana’y agad ding maihatid sa mga naapektuhan.


Tayo’y nasa gitna pa rin ng pandemya at talagang doble dagok kung kasamang mahahagupit ng sama ng panahon.


Pero tulad ng lahat ng kalamidad na nagdaan, ito ay lilipas at tayo’y muling babangon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page