top of page

Relief aid para sa mga biktima ng kalamidad sa Davao Region, madaliin

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 13, 2024
  • 1 min read

@Editorial | Pebrero 13, 2024


Kalunus-lunos ang sinapit ng ating mga kababayan sa Davao Region.


Marami ang nawalan ng tahanan, kabuhayan at mga mahal sa buhay. Habang patuloy naman ang pagsaklolo sa iba pang mga biktima ng matinding pagbaha at landslide.


Nagpapasalamat tayo sa mga magigiting na kababayan na nagbubuwis-buhay para ma-rescue ang mga biktima partikular na ang mga natabunan ng landslide. Umaasa tayo na may mga matatagpuan pang buhay.


Magpatuloy din sana ang pagdating ng mga tulong para matugunan ang kanilang mga pangangailangan.


Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na umano ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga ahensya para matiyak ang maayos na paghahatid ng mga family food packs. Ang mga ito ay dadalhin sa Davao Region para ipamahagi sa mga local government units na apektado ng low pressure area at shear line na tumama sa Davao Region noong huling bahagi ng Enero.


Kung tuluy-tuloy ang pamamahagi ng relief aid kahit paano ay maiibsan ang alalahanin ng ating mga kababayan. 


Nakakalungkot na halos kauumpisa pa lang ng taon ay sinusubok na ang katatagan nating mga Pinoy. Pero, tulad ng mga napagdaanan nating pagsubok, malalampasan din natin ito at muling makakabangon -- sa tulong ng bawat isa at higit sa lahat, sa biyaya Niya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page