top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms

Reliable Den sasalang sa Handicap System

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 30, 2023
  • 2 min read

ni Green Lantern @Renda at Latigo | July 30, 2023


Kikilatisin ng mga dehadistang karerista ang husay ni Reliable Den pagsalang nito sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System na ilalarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City sa Batangas ngayong araw.


Gagabayan ni jockey John Paul Guce, makakalaban ni Reliable Den ang anim na tigasing kalahok sa distansiyang 1,400 meter race. May nakalaan na P25,000 karagdagang premyo na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta, ang ibang kalahok ay sina Rockstar Show, Don Julio, Bravo, Lava Walker, Don Lucas at Sari Baby.


Inaasahang magbibigay ng laban kay Reliable Den ay sina Don Julio at Don Lucas sa event na hahamigin ng mananalong kabayo ang added prize na P10,000 premyo.


"Magagaling ang mga kasaling kabayo lalo na sina Don Julio at Don Lucas kaya posibleng isa sa kanila ang makasilat," saad ni Carlito Mendoza, veteran karerista.


Samantala, walong races ang pakakawalan ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) ngayong araw ng Linggo kaya mahaba-haba ang paglilibang ng mga karerista.


Tiyak na aabangan din ng mga karerista ang bakbakan ng anim na tigasing kabayo sa isa pang PHILRACOM Rating Based Handicapping System na pakakawalan sa pangalawang karera.


Maglalaban sa distansiyang 1,600 meter race sina American Dream, Marilag, Agidaw, Kercharmer, My Jopay at Cat Bell.


Ayon sa ibang mga karerista posibleng magdomina sa takilya ang kabayong Kercharmer na gagabayan ni Rico Suson.


Race 1 - Reliable Den (1), Don Julio (3), Don Lucas (6)

Race 2 - Kercharmer (4), Cat Bell (6)

Race 3 - My Dad Bogart (5), Kaboom (8), Great Connection (1)

Race 4 - Smart Bell (4), Chef Cat (5), Spoiled Brat (7)

Race 5 - Sonic Clay (7), Bocaue Rivertown (3), My Boy Lollipop (4)

Race 6 - Gold N Silver (4), Antonio Delamugis (6), Dollarama (7)

Race 7 - Grand Monarch (7), Winter On Fire (8), Electrify (1)

Race 8 - Central Bank (8), Battle Scar (5), Sky Lover (1), Piece Of Cake (7)


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page